CRYSTAL WAVES

Events

Amazing Day everyone! Iniimbitahan po namin kayong lahat sa aming ika-5ng taong Fun Run sa darating na Mayo 26, 2018. Ito ay gaganapin sa harapan ng Crystal Waves Event Center, Talavera, Nueva Ecija.

Ang kabuoang malilikom na pera ay mapupunta sa dalawang benepisyaryo. Ang “Hapag ng Pag-asa” ng Parokya ni San Isidro Labrador, Talavera at tulong sa pagpapagawa ng bagong
Krypta ng San Nicholas de Tolentino, Cabanatuan.

“HAPAG NG PAG ASA”, TALAVERA

2017 ang taon ng mahihirap kaya naglunsad ang parokya ng San Isidro Labrador, Talavera ng programa, “Hapag ng Pagasa”. Ang layunin ng programang ito ay magbigay ng saya sa mga kabataan ng Bayan ng Talavera sa pamamagitan ng mga binabahaging pagkain at vitamins. Ginaganap ang feeding program tuwing Sabado, sa walong barangay na nakatakda sa araw na iyon at pinangungunahan ng mga komyunindad ng mga origanisasyon at mga naglilingkod sa parokya. Bukod sa feeding program, nagkakaroon ng iba’t ibang palaro, at tinuturuan din ang mga bata na makilala at mapalapit sa Diyos.

 

Ang mga larawanan ay nagmula sa: San Isidro Labrador Talavera

BAGONG KRYPTA NG SAN NICHOLAS DE TOLENTINO NG
DIYOSESIS NG CABANATUAN

Nagsimula noong 1999, ang pag papagawa ng Katedral ng San Nicholas de Tolentino. Ang pagtatayo nito ay sinimulan ng dating ika-4 na Obispo ng Diyosesis ng Cabanatuan, Most Rev. Sofio G. Balce, STD, DD. Ito ay inaasahan na may kabuoang kapasidad na tatlong libo sa pangunahing palapag. Noong 2000, inilunsad nila ang Kolumbaryo o Krypta na matatagpuan sa baba ng Katedral na halos isang libo nang yumao ang nakahimlay dito. Sa laki ng Katedral ay umabot na ito ng halos dalawang dekada sa pagpapagawa ngunit ito ay hindi pa rin matapos. Marami nang nailunsad na fund raising program para sa Katedral at tumanggap ng mga donasyon ngunit ang mga ito ay hindi pa sapat. Sa pagpapala ng Diyos ay kumakatok ang Diyosesis ng Cabanatuan sa inyong mga puso upang sama sama nating tapusin ang banal na tahanan ng ating Amang nasa langit.
Ang larawanan ay nagmula kay Fr. Orlan Valino
Nais naming pasalamatan ang aming mga pangunahing sponsors sa event na ito…

Let's Catch Some Waves!

Crystal Waves